May pag-asa pa rin ang mga kabataang nais maging housemate ni Kuya...
May pag-asa pa rin ang mga kabataang nais maging housemate ni Kuya o kaya’y nangangarap maging singers dahil may karagdagang auditions ang "PBB Teen Edition" at "Pinoy Dream Academy" sa Amerika at Japan.
Magpa-rehistro sa US auditions sa "One Kapamilya Go Fiesta" sa California’s Great America, Santa Clara, California sa Setyembre 20 mula 10am hanggang 2pm.
Sa Japan naman, may auditions din sa Forum Bldg, 2nd Floor, Imperial Roppongi Roppongi, Tokyo sa Setyembre 13 mula 9am. Para sa karagdagang detalye, tumawag lang sa 1877-88-GO-TFC para sa US auditions at 0120-TFC-VOD para sa Japan auditions.
Ano ang ibig sabihin ng DOUBLE UP? Abangan ang sagot sa pagbubukas ng pinaka-sikat na bahay sa Pilipinas kasama sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Mariel Rodriguez ngayong October 4 para sa "Pinoy Big Brother 3 Double Up" sa ABS-CBN.
0 comments »
Leave your response!