Saturday, October 31, 2009

Task #1: Hot Seat!

Finally, binigyan na ni Kuya ng task ang mga housemates sa House A!

Unang pinatawag si Princess ni Kuya sa confession room, at sumunod naman ang mga boys. Dito iprinisinta sa kanila ni Kuya ang una nilang task in the form of a hot red chair. Sa unang linggo ng mga housemates, talaga namang dapat magkakila-kilala muna sila. At just in case magkahiyaan pa, si Kuya na ang gumawa ng paraan para ma-fast forward ang friendships nila.

To the tune of "Getting To Know You" (na ikinatakot ng mga housemates dahil makaluma na ang version na napili), may isang housemate na uupo sa hot seat. Lahat ay kailangan maka-experience nito at lahat ay kailangang magtanong. After 5 minutes, tutugtog ulit ang kanta, meaning time's up na ang tanungan. Bawal ang antukin, dahil may pop quiz si Kuya at the end of the week!

No comments:

Post a Comment